This blog is for my bestfriend turned lover :) Yes natagpuan ko na prince charming ko :) Chos. Haha. Ang saya ko sa kanya, SOBRA! Sobrang sweet, maalaga, thoughtful, ma-effort, magaling magbigay ng advice. Parang bestfriend ko pa din pero mas love ko siya ngayon :”) Love na love ko yan kahit paminsan hindi kami nagkakaintindihan. Narealize ko din na malala pa ako sa tigre magalit. As in lumala topak ko! -____- Kaya pagpasensyahan mo na lang ako babe ha? :) Hehe. Dumating yung time na minura ko na siya, super sigaw na ako sa phone. Ugh i’m such a bad girl :( But i’m trying to change naman. Mas magbabago talaga ako ngayon kasi super inspired ako :) Ang sarap gumising na may mahaba kang goodmorning text or tatadtadin ka nya. Hindi mo mararamdaman na malayo sya syo. Kahit minsan hindi man lang nya ako naging 2nd choice. Laging skin sya naka-focus. Ano ba yan naspo-spoil na ata ako ng babe ko. Haha. Yung gustong gusto mo na magfriday palagi para dadaan sya sa amin. Tapos saturday may date kami tapos sunday bago siya lumuwas dadaan muna siya smin. Hay pano mo ba naman kaaayawan ang weekend <3 Inlove na inlove ako tuwing sabado at linggo. Hahaha :) Ngiti ngiti din habang sinusulat ko to :”> At ang pinakamasarap sa lahat? Yung tanggap ka ng pamilya nya. Syempre sa una takot ka diba, ayun mabait pala. Sobra :) Paminsan pag nasa SM kaming lahat, ihahatid nila ako hanggang sakayan ng bauan (may pupuntahan pa kasi sila kaya hindi ako maihatid hanggang bahaya) Hahaha. Grabe din yung experience na sinundo ako ni winwin tsaka nung daddy nya sa bahay namin tapos inihatid kami sa SM. Super tuwa talaga ako nun <3 Wala na talaga akong hihilingin pa sa lalakeng to. Nasalo na niya lahat!! Haha. Hindi ko na papakahabaan to at baka tamadin na kayo magbasa. Hehe. I love you babe, sweetie, hon, love, paching, bok, lahat na! :”“”> Hehe.
Yes unexpected ko talaga. Akala ko wala talagang chance. Akala ko bestfriends lang talaga. Well, wala ih. He gave me the love that i didn’t get from my past. He proved to me that i’m worth it. He always tells me that i’m that perfect girlfriend material. He treats me extra special <3. Things that made me fall in love with him. Masarap pala yung feeling na siya ang MAS na nagmamahal sa amin. Laging may extra. Extra-special, extra-love, extra-care. Ay grabe. Siguro madami din ako natutunan nung huli kong everything. Binawasan ko na pagkademanding ko, mas maalam ako umintindi ngayon, kahit miss na miss ko na sya iniintindi ko pa din priorities nya, hindi ko tatapusin ang araw hangga’t hindi kami okay (Isang malaking weh ang sinabi ko, depende pala ito sa mood ko) Siguro masyado ko din minadali yung dati kaya nagmadali din matapos. Haha. Kaya ngayong magsisigurado na talaga ako. Ayoko na masaktan. Parang may phobia na ako. Sobrang sakit nung huli. SOBRA SOBRA :( Ibinigay ko na lahat. Wala na akong magagawa pa. Sana naman hindi na maulit yung dati. I reallly want a relationship that would last at feeling ko kay Winwin ako sasaya ;) (kilig na) Ewan ko, yung feeling na ako na nga may kasalanan sya pa nagsosorry. Sobrang naintindihan nya ako. Lagi nya ako iniintindi, pag alam nyang mainit ulo ko hindi nya ako sinasabayan. Madami pa yan ih, hahaba pa ito. Pero isa lang masasabi ko, mahal ko siya. Hindi po kami. HINDI KAMI! Baka kung ano nanaman kumalat ih. Haha. Basta we’re happy =))))))))
Kung pwede lang siguro ibalik ang oras, kung pwede lang siguro ulitin lahat ng magandang memories, kung pwede lang siguro tanggalin na lang ang bad. Grabe :| Bakit ba kasi kung kelan okay na ako. Kung kelan nagtry akong pansinin ang iba saka ka bumalik? Nahihirapan ako pumili ngayon. Hindi ko alam kung sino. Hindi ko alam kung kanino ba ako tunay na sasaya. Ang hirap kasi pareho sila napamahal sa akin. Hindi ko alam kung dun na ako sa sure na andyan para sa akin, o magrrisk na naman ako. Oo alam kong mahal ko pa si Pau, pero pano yun? Hindi ko naman kayang iwan si winwin ng basta basta. Okay inaamin ko medyo okay kami ni winwin tapos biglang bumalik si Pau. Pero hindi ko sinasabi na ginawa kong rebound si winwin. Hindi ako nagpapakita ng motibo hanggang sa medyo nafafall na ako tapos bumalik etong si Pau :( Hay. Ang daming nagssbe sa akin na seryoso na daw siya THIS TIME! Kaya gusto ko magbigay ng chance ih. Gusto ko magtry ulit, kaso wag na lang siguro kasi takot na akong masaktan. Takot na ulit akong maulit ang dati, takot na ulit akong umiyak ng sobra. Wala na siguro akong magagawa :| Eto na ito ih. Nahihirapan lang talaga ako i-handle si ano kapag nagiging sweet sya or paminsan sasabihin nya na bumalik na daw ako sa kanya. Ano irreply ko? Jusko naman :(
As usual naguguluhan na naman ako -.- Tsk :| Bakit kasi ang hirap pumili :( Naguguluhan ako kasi parang may chance na ang bestfriend ko. Kaso hindi ganun ka-sure kasi nga hindi pa naman ako ganun ka move-on kay ano. Syempre hindi naman agad agad yun mawawala di ba. Ang problema ko, sabi ni ano ay goodboy na daw siya ngayon. Ramdam ko naman na seryoso na sya ngayon. Second chance? EWAN KO! -.- Hindi ko alam. Dati sabi ko sa sarili ko ayaw ko na magbigay ng chance, ngayon eto na naman ako. Tsk. Yung sa bestfriend ko naman, i call him babe. Okay kami, kung maituring nya ako parang girlfriend na niya e. Sobrang sweet, syempre sino ba naman ang hindi mafafall. Sino ba naman ang hindi kikiligin. Ay parang ngayon ko lang yun naranasan ih. Long sweet goodmoring & goodnight texts, endless conversations at madami pang iba. Clear naman sa bestfriend ko na hindi pa ako sure sa nararamadaman ko. Lagi namin to pinaguusapan. Sabi nya naintindihan nya. Well, sana nga! -.- Tsaka ayaw ko pa pati mag-entertain ngayon. Jusko kapapasok ko laang ng college. Eh ang hirap kaya ng course ko. Kaya kung maaari chill muna ako. Ayaw ko muna mag-everything at AYOKO NG STRESS. Pero eto ako ngayon, hindi makafocus :( Akala ko okay lahat. Friends lahat. Yun pala hindi :( Kahirap ga ng ganito, parang feeling ko konting effort lang ni ano bibigay na agad ako. Tsk. Sana naintindihan nyo ako. Help po :| May naririnig na kasi ako sa iba na masama. Para sa mga chismoso/chismosa na hindi naman alam ang buong kwento basahin nyo muna to. PUTANGINA umiinit dugo ko sa inyo pero good girl ako ngayon. Wag nyo na lang antayin na sumabog ako at papangalanan ko talaga kayo! Tae. Bwiset. Hahahaha. Sura ih -.-
Opo pagkatapos ng lahat friends na po kami ngayon :) Okay na din to para hindi ko mamiss. Alam ko din sa sarili ko na wala na. Haha. At as friends lumabas kami kahapon. Yung kami lang dalawa. Nung una syempre awkward pero nafeel ko na parang ganun pa din kami. Para ngang walang nangyari dating iyakan at sakitan. Whoah! Pero hindi na big deal sa akin yun. Kapag isinumbat pa lalo pang magkakagulo. Okay na tong ganito, payag na ako magkaron siya ng bago. Ewan ko lang siya sa akin pero wala pa naman akong bago. Kalma muna. Ayaw ko pa kasi. Although meron akong kakilala na halos lahat na ng gusto ko ay nasa kanya na, ay kalma muna. Hehe. Baka may makita pang iba. Joke. Ayaw ko muna ng lovelife :) Tingin tingin na lang muna kahit paminsan ay naiinggit. Hehe. Basta nagpapasalamat na lang ako kay lord na okay kami ;)
Maarte ba? Pasensya na kayo. Babae e =)
Masaya na talaga ako ngayon. Kuntento na sa mga bagay bagay =) May mga taong bumabalik sa buhay ko pero hindi ako sure kung hahayaan ko pa silang baguhin ito ulit. Para kasing tama na yung chance na naibigay. I deserve to be happy naman diba? Naguguluhan lang talaga ako lately kasi tinatawag na naman niya akong baby. Sweet siya ngayon. Nagtetex, may good morning at goodnight text. Aba ano kaya nakain ng lolo mo. Haha. Oo inaamin ko medyo natutuwa pero wala pa din papantay sa kilig na nararmdaman ko kapag si ano ang kausap/katext ko :”“> Natatakot ng lang ako kasi hindi ko pa iniisip ang mga susunod na mngyyre. Masyado ko kasi ineenjoy ang kung anong meron kami ngayon. FRIEND :) *showbiz* Hehe. Err -.- Pano kung dumating yung time na nafall na talaga ako. Shet pano na yun :|
via sodamnrelatable
(Source: most-awkward-moments)
Pwede bang kiligin kahit ngayon lang? Yung wagas na kilig talaga :) Hehe. May nagsabi kasi sa akin niyan. Actually kagabi pa, nung isang araw pa may mga ganyan effect. Woo. Wala ng mapaglagyan ang ngiti ko e :D Ewan ko ang sarap lang talaga sa feeling. Tapos yung araw araw kayong may banat. Ay shet :”> Yan pa naman kahinaan ko. Dyan talaga ako mabilis kiligin. Hihi :> Well ayaw ko naman magmadali kaya go with the flow na lang muna. Hindi pa din ako sure sa mga bagay bagay basta ang alam ko masaya ako ngayon. SOBRA! :”>