Kung pwede lang siguro ibalik ang oras, kung pwede lang siguro ulitin lahat ng magandang memories, kung pwede lang siguro tanggalin na lang ang bad. Grabe :| Bakit ba kasi kung kelan okay na ako. Kung kelan nagtry akong pansinin ang iba saka ka bumalik? Nahihirapan ako pumili ngayon. Hindi ko alam kung sino. Hindi ko alam kung kanino ba ako tunay na sasaya. Ang hirap kasi pareho sila napamahal sa akin. Hindi ko alam kung dun na ako sa sure na andyan para sa akin, o magrrisk na naman ako. Oo alam kong mahal ko pa si Pau, pero pano yun? Hindi ko naman kayang iwan si winwin ng basta basta. Okay inaamin ko medyo okay kami ni winwin tapos biglang bumalik si Pau. Pero hindi ko sinasabi na ginawa kong rebound si winwin. Hindi ako nagpapakita ng motibo hanggang sa medyo nafafall na ako tapos bumalik etong si Pau :( Hay. Ang daming nagssbe sa akin na seryoso na daw siya THIS TIME! Kaya gusto ko magbigay ng chance ih. Gusto ko magtry ulit, kaso wag na lang siguro kasi takot na akong masaktan. Takot na ulit akong maulit ang dati, takot na ulit akong umiyak ng sobra. Wala na siguro akong magagawa :| Eto na ito ih. Nahihirapan lang talaga ako i-handle si ano kapag nagiging sweet sya or paminsan sasabihin nya na bumalik na daw ako sa kanya. Ano irreply ko? Jusko naman :(